Pagbati sa mga Diwa’t Panitik Journalists!

Pagbati sa mga Diwa’t Panitik Journalists!

Hindi nagpahuli ang mga batang nagmula sa maliit na paaralan ng Dampalit ES1 sa nakaraang paligsahan sa DIVISION.SCHOOLS PRESS CONFERENCE AND CONTEST noong nakaraang Hulyo 27 sa Malabon Elementary School.

Ito’y nilahukan ng 26 na pampubliko at pampribadong paaralan sa buong Malabon.

Mga Batang nagsipagwagi ay sina:

5th place – Dharcy Oraño (Pagguhit ng Kartuning)
5th place – Kylie Niña Salvador (Pag-uulo at Pagwawasto ng Balita)
7th place – Kalvin Nathan G. Sioson (Pagsulat ng Balita)
9th place – Julia Allyza Miel Ellado (Pagkuha ng Larawang Pampahayagan)

Sila ay gagawaran ng sertipiko ng pagkilala sa darating na Agosto 20 at magiging kinatawan para sa Panrehiyon na Paligsahan sa Pamamamahayag.

#roadtoREGIONALS
Trainer: Mrs. May Antonette G. Magwili
Principal: Ms. Fe A. Reyes

#proudDES1nians

 

— Ms. M. Magwili

Nutrition Month 2019

NUTRITION MONTH 2019

Theme: Kumain nang Wasto At Maging Aktibo, Push Natin to!

Activities:
July 8 Parade 7-8am (naka costume)
Opening Program
July 9 Poster Making
Slogan (8am) Grades 4-6
July 10 Coloring (9am) Kinder, Grades 1-3
July 11 Cooking ( Grades 5-6 )
July 12 OK sa DepEd
July 15 A1 child ( kinder, Grades 1-3)
Best in costume
Closing and awarding

 

 

— Ms. E. Saurin

ICT Month 2019

ICT Month 2019

Ang paaralang elementarya ng Dampalit 1 ay nakiisa sa pagdiriwang ng ICT Month 2019.

Ilang mag-aaral mula sa baitang 3 hanggang 6 ang sumali sa paligsahan sa paggamit at kaalaman sa teknolohiya.

Ilan sa mga paligsahang ginanap ay ang mga sumusunod:

  1. Typing Contest
  2. Digital Poster Making Contest
  3. Digital Essay Making Contest
  4. Photography Contest
  5. Quiz Bee

Ginawaran ang mga nagwagi sa mga paligsahan kasama ng School ICT Coordinator na si Bb. Eden Sarah D. Saurin.

 

  

 

— Ms. E. Saurin

SPG ELECTION 2019

SPG ELECTION 2019

SPG Election 2019 in Dampalit Elementary School – I was conducted much different as the students uses Profuturo devices in voting. Results were already out on the same day because the consolidation of votes was done automatically.

State of the School Address 2019

 

SOSA 2019

Isa muling pagpupulong kasama ng mga magulang, guro at punungguro ang ginanap nitong Abril 5, 2018. Dito ay isinagawa ng punungguro ang kanyang SOSA o State of the School Address. Ipinahayag niya sa mga magulang ang mga datos kaugnay ng kalagayan at mga programa ng paaralan.  

Earthquake Drill February 21, 2019

Earthquake Drill

February 21, 2019

Upang masiguro ang kahandaan at kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at iba pang kawani ng paaralan, ang DES-I ay nakiisa sa kauna-unahang Nationwide Earthquake Drill nito lamang Pebrero 21, 2019. Gamit ang mga head cover na gawa sa basahan ay mahinahong lumabas ang lahat ng nasa paaralan nang marinig ang tunog ng bell bilang hudyat. Kaugnay nito ay ipinakita rin ang tamang paraan ng pagliligtas sa isang mag-aaral kung sakaling may maaksidente at kinakailangan ng tulong sa paglikas.