National School Safety Week 2026, Opisyal nang Inilunsad sa DES-1
ย 

LUNGSOD NG MALABON โ€” Nagsimula na ngayong Oktubre 12, 2026, ganap na 5:40 ng umaga, ang opisyal na pagdiriwang ng National School Safety Week 2026 sa Dampalit Elementary School-I. Dala ang temang “Ligtas, Inklusibo, at Maalagang Paaralan,” layunin ng aktibidad na patatagin ang seguridad, kaligtasan, at kapakanan ng bawat mag-aaral sa loob at labas ng silid-aralan.

Sa pagbubukas ng programa, nagpaabot ng mahahalagang mensahe ang pamunuan ng paaralan, Gng. Analine R. De Guzman (punongguro), G. Joerey F. Siyang (Master Teacher II) at mga katuwang sa komunidad na pinangunahan ni Patrol Man John Dave Regancia mula sa Hulong Duhat, Police Station upang ipaalala ang sama-samang responsibilidad sa pagprotekta sa mga kabataan.

Binigyang-diin sa kanilang mga mensage ang kahalagahan ng paglikha ng kapaligirang malayo sa anumang panganib, pambubulas (bullying), at aksidente, habang itinataguyod ang pantay at maikakalingang pagtrato sa lahat ng mag-aaral.

Naging bahagi rin ng kick-off activity ang pagbigkas ng Panata para sa Ligtas, Inklusibo, at Maalagang Paaralan pati na ang lagdaan sa School Safety Commitment Wall bilang simbolo ng pangako ng mga guro, magulang, at mga opisyal sa pagpapanatili ng ligtas na paaralan.

Inaasahang magpapatuloy ang iba’t ibang pagsasanay at pagsasagawa ng mga safety drill at information drives sa buong linggo upang masiguro ang kahandaan ng buong pamayanan ng Dampalit Elementary School-I sa anumang uri ng emergency.

Para sa karagdagang impormasyon at ulat tungkol sa mga inisyatibo ng Kagawaran ng Edukasyon kaugnay ng kaligtasan sa mga paaralan, panoorin ang kaugnay na balita sa DepEd School Safety Drills Video. Ang videong ito ay nagbibigay ng karagdagang konteksto tungkol sa mga hakbang at pagsasanay ng DepEd para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

#OneDES1

#DiwatPanitikPublications

EARTQUAKE DRILL 2023

Nakiisa ang Dampalit Elementary School-I sa First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong Marso 9 sa ganap na 2:00 ng hapon.

Ito ay nilahukan ng mga mag-aaral at guro upang maging handa at magkaroon ng sapat na kaalaman kapag dumating ang sakuna.

Ito ay pinangunahan ni Mrs. Maria Reina M. Buenavista, SDRRM Coordinator, sa tulong at gabay nina Dr. Remedios P. Rey, OIC Principal/PSDS at G. Jay T. Orongan, OJT Principal.

๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐——๐—ฎ๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐—ฅ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฅ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ ๐—–๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐—ต ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—บ๐˜€

Dampalit Elementary School – Iย  joins the National Day of Remembrance for Road Crash Victimsย 

ย 

This is pursuant to Republic Act No. 11468 titled An Act Designating the Third Sunday of November Every Year as The National Day of Remembrance for Road Crash Victims, Survivor and Their Families.

#WDoR2021

#DepEdKabataan2021